Ni ROY C. MABASA
Pinatay at sinunog ng dalawang lalaki ang isang 49-anyos na Pinay na naninirahan sa Vancouver, Canada, kamakailan.
Kinilala ng pulisya ng Canada ang biktima na si Ma. Cecilia Loreto, na namamasukan sa isang grocery store sa East Vancouver, na natagpuang sunug na sunog ang bangkay sa Greentee Village Park sa Burnaby, nitong Marso 18 ng umaga.
Sa ulat ng mga awtoridad, tumawag sa kanila ang mga residente nang matagpuan ang natustang bangkay ni Loreto.
May teorya ang mga pulis na pinatay ang biktima sa bahay nito sa New Westminster, tinatayang walong kilometro ang layo sa kinatagpuan ng kanyang bangkay, nitong Marso 17 ng gabi.
Kaagad namang inaresto ng pulisya ang dalawang suspek, kabilang si Carlo Tobias, 21 at isang 15-anyos na lalaki.
Naiulat ng pulisya na kinasuhan na nil ang pagpatay ang dalawang suspek.
Kaugnay nito, inilarawan naman ng kanyang mga kaibigan at katrabaho ang biktima bilang “isang mabait, mapagbigay, masayahin at mahilig kumanta”.
Naniniwala naman ang tagapagsalita ng Integrated Homicide Investigation Team na si Sgt. Frank Jang, na “magkakakilala ang biktima at ang dalawang suspek”.
Paniwala rin ng pulisya, plinano ang pamamaslang sa biktima.
Ipinahayag naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy pa nilang inaalam ang buong impormasyon ng kaso