ni Dennis Principe
Pinawi ng Office of Civil Defense (OCD)-Central Luzon ang pangamba ng publiko na sasabog muli ang Mt. Pinatubo.
Inilabas ng OCD ang pahayag nang isailalim ng pamahalaan sa level 1 ang alert status ng bulkan nitong nakaraang Marso 4.
“This means that there is low-level unrest that may be related to tectonic processes beneath the volcano and that no imminent eruption is foreseen,” paglilinaw naman ng Pinatubo Volcano Network.
Inihayag naman ni OCD Regionao Information Officer Francesca Quizon, na i-double check muna ang mga impormasyong lumalabas sa social media bago mangamba at mabalisa.
“It is to clear the reactions of the people who make the issue worse. Social media is very powerful. Do not panic because we are doing this for proper information and knowledge for our people in Central Luzon,” sabi pa nito