ni Liezle Basa Iñigo

SAN MATEO, Isabela – Isang health worker ang binawian ng buhay matapos umanong turukan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa nasabing bayan, nitong Huwebes.

Sa panayam, sinabi ni Mayor Gregorio Pua na si Elvira Estera, isang midwife sa lugar, ay isa sa binakunahan kontra COVID-19 sa kanilang bayan.

Aniya, may Diabetes at High Blood Pressure si Estera.

Passport ni Roque, balak ipakansela ng DOJ: ‘He will be an undocumented alien!’

Ipinaliwanag nito na matapos mabakunahan si Estera ay nagpositibo na ito sa sakit.

Hindi naman direktang inihayag ng alkalde kung may kinalaman ang itinurok na bakuna sa pagkamatay ni Estera.

Paliwanag pa ni Pua, hihintayin na lamang ang result ang imbestigasyon ng Department of Health (DOH) sa tunay na ikinamatay ni Estera.