Ni NORA V. CALDERON

Kung sa romantic-comedy series na First Yaya ay laging naka-yaya uniform si Kapuso actress Sanya Lopez, ngayong nag-break muna sila sa lock-in taping ng top-rating GMAPrimetime series nila ni Gabby Concepcion, hot babe naman siya in real life.

Ralph at Josh, evicted na sa Bahay ni Kuya

‘Nagpainit’ si Sanya sa sexy bikini photos niya sa kanyang instagram account habang nagtatampisaw sila ni Kakai Bautista sa beach resort na pag-aari ni Gabby sa Batangas.

Pinusuan ng fans at netizens ang posts niya sa social media, kaya naman umabot na ito ng more than 210,577 likes at 865 comments, dahil sa kaseksihan niya. Comment nga ni @missrheatan “Ganda ng anak ko.” Sagot ni Sanya “next time Ma, tayo-tayo naman.”

Comments pa ng madla, blooming ang aktres at bagay na bagay sa kanya ang suot ng swimsuit.

Na-miss daw naman nina Sanya at Kakai ang mga co-stars nila sa series na sina Maxine Medina, Cai Cortez, Glenda Garcia, even si Ms. Pilar Pilapil.

Napapanood gabi-gabi ang First Yaya pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.