ni Mary Ann Santiago
Unti-unti nang bumababa ang reproduction rate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa OCTA Research Group, hanggang nitong Miyerkules, Marso 24, ay bumaba na ng 1.91 mula sa dating 1.99 ang COVID-19 reproduction rate. Nabatid na ang reproduction number na 1 o mas mataas pa ay indikasyon ng patuloy na hawahan ng virus. Sa kabila naman nito, sinabi ng OCTA na masyado pang maaga upang masabi kung ang pagbaba ng mga kaso ay senyales na ng pagkakaroon ng downward trend sa reproduction number sa rehiyon, na kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) bubble, kasama ang mga kalapit na lalawigan ng Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal.
“It is too early to tell if this is the beginning of a hoped-for downward trend in the reproduction number, given that the NCR was placed under the GCQ bubble,” nakasaad sa ulat ng OCTA, nitong Marso 25.
Nitong Miyerkules, iniulat ng DOH na nakapagtala sila ng 6,666 bagong COVID-19 infections, sanhi upang umabot na sa kabuuang 684,311 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa