ni Fer Taboy

Kinumpirma ni Armed Force of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt.Gen. Cirilito Sobejana na wala nang hawak na mga bihag ngayon ang Abu Sayyaf Group(ASG) kidnap for ranson group.

Ito’y matapos masagip ng mga awtoridad sa Tawi-Tawi ang apat na Indonesian hostages na dinukot nuong Enero sa kagaratan ng Lahad Datu sa Sabah.

”Nakuha namin yung apat na mga Indonesians na kidnap victims na narescue natin mula noong isang araw at madaling araw ng Linggo nakakuha tayo ng additional, sa ngayon kumpleto na wala ng kidnap victims na hawak ang mga Abu Sayyaf,” pahayag ni Sobejana. Ayon kay Sobejana, na hawak ng militar ang si ASG sub-leader Suhud Salasim alias Bin Wagas na kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa matagumpay na rescue operations na isinagawa ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa mga bihag, napatay sa engkuwentro si ASG leader Majan Sahidjuan alyas “Apo Mike”. Naaresto naman sina Salasim at Bensar Jakari alias “Enjemar Mankabong.” Nakatakdang i-turn over ng militar sa Indonesian goverment ang apat na dating bihag na nasa kustodiya ngayon ng PNP. Samantala, batay sa record ng PNP-CIDG sina Jakari at Salasim ay kapwa may mga warrant of arrest para sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom. Ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Guillermo Eleazar kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP sina Salasim at Jakari para sa kaukulang documentation and investigation.

”Manhunt operations for other members of this terror group is being done by the police operatives in coordination with our Army counterparts to end their criminal activities in Mindanao,” aniya.