ni Zaldy Comanda

Patay ang dalawang manggagawa matapos matabunan ng gumuhong lupa habang natutulog sa kanilang mga bahay sa Sitio Talop, Kinakin, Banaue, Ifugao nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng Banaue MPS Chief of Police na si Michael Dangilan, ang mga biktima na sina Emiliano H. Lupais, may asawa, laborer, at residente ng Sitio Bayninan, Kinakin, Banaue, Ifugao at Ernesto Cirais, alyas Kibong, may asawa, karpintero, at residente ng Sitio Talop, Banaue, Ifugao.

Sinabi ni Dangilan, nakatanggap ngbtawag sa telepono ang mga tauhan ng Banaue MPS dakong 1:45 a.m. nitong Lunes mula sa Barangay Chairman ng Kinakin na ipinaalam ang pagguho ng lupa sa Sitio Talop, Kinakin, Banaue, Ifugao kung saan ang bahay ni Ernesto Cirais ay nabaon.

Anak ni Sen. Jinggoy Estrada, ginulpi sa Boracay

Sinabi niya, ang mga tauhan ng Banaue MPS kasama ang Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction Management at mga residente na FP, MDRRM at mga residente ay agad na nagsagawa ng search and rescue operation at nakuha nila ang mga bangkay ng mga biktima dakong 2:15 ng umaga. Ayon kay Dangilan, ang dalawang biktima ay natutulog sa loob ng bahay ng maganap ang trahedya. “Panay ang ulan dito noong nakaraang araw, kaya maaring bumigay yong lupa at alam namin ang Banaue ay isang landslide prone area