Ni ROBERT REQUINTINA
KINASTIGO ni Kris Aquino ang mga kritiko at bashers na patuloy na tinitira ang kanyang pamilya partikular ang kanyang mga anak na sina Bimby at Josh, kasama ng babala na lalabanan niya ang mga ito.

Sa Instagram, Marso 21, ibinahagi ni Kris ang dalawang taped videos kung saan niya inilabas ang sama ng loob laban sa mga kritiko ng kanyang pamilya, sina former President Corazon Aquino, ang kanyang ama na si Benigno Aquino Jr. at kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.
“Tama na, sobra na, lalaban na!” emosyonal na pahayag ni Kris. “Ilang beses kaming sinubukang patayin. I am willing to go to war.”
Una rito, kumalat ang tsismis na nabuntis umano ng panganay na anak ni Kris, si Josh, ang kanyang girlfriend, habang pinuna naman ng ilang netizens ang kasarian ng kanyang bunso na si Bimby.
“Nanay ako ng binabalahura na ang mga anak. Sinubukan kong mag-shut up but shutting up caused me more stress. OA sa pagkamalicious sa panganay at sa bunso ko. Utang na loob naman,” giit ni Kris.
Dagdag pa niya: “From comments kailangan specific para magkaintindihan tayo. You want names, in alphabetical order basing it on their first names, yung mga umiikot na pangalan for 2022, dahil hindi sila ang pumondo sa trolls & bloggers para atakihin ako at ang mga anak ko, I AM NOT AGAINST: Bong Go, Grace Poe, Isko Moreno, Leni Robredo, Manny Pacquiao, Ping Lacson, Sara Duterte, and Sonny Trillanes. MATALINO KAYO. Matalino tayong lahat.”
Sa kanya namang relasyon kay Herbert Bautista, inamin ni Kris na sinubukan nilang mag-reconnect. “But I needed Bimb’s permission.”Quoting her son Bimb, sinabi ni Kris: “If he is your happiness, then he has my vote.”
“Unfortunately, because elections next year, ginamit ko ‘yung vote. It can be misinterpreted again. Herbert Bautista’s plans, they are his own,” muling paliwanag ni Kris.
Sa isa pang video, isinawalat ni Kris ang mga bantang natatanggap ng kanyang pamilya: “Alam ko naman na hindi ninyo ako tatantanan and you will continue to attack me.”
Giit ni Kris ang mahalaga lamang para sa kanya ngayon ay ang kanyang mga anak, at ang alaala ng kanyang magulang at mga kapatid.
“And because I cannot predict tomorrow, baka dumating pa ‘yung tao na mamahalin ako ng tapat, aaminin namin sa inyo na may relasyon kami,”dugtong pa niya.
Tinapos naman ni Kris ang kanyang second video sa pamamagitan ng lyrics mula sa Mad Woman ni Taylor Swift. “And there’s nothing like a mad woman. What a shame she went mad. No one likes a mad woman. You made her like that. And you’ll poke that bear ’til her claws come out. And you find something to wrap your noose around. And there’s nothing like a mad woman.”