DENVER (AFP)— Isang gunman ang pumatay ng hindi bababa sa 10 katao kabilang ang isang opisyal ng pulisya sa isang grocery store sa Colorado noong Lunes, sinabi ng pulisya.

Nasa kustodiya na ang sugatang suspek, sinabi ni Michael Dougherty, district attorney ng Boulder County, na matatagpuan 30 milya (50 kilometro) sa hilagang-kanluran ng kapital ng estado ng Denver.

Kabilang sa mga namatay ay ang “heroic” police officer na si Eric Talley, 51, na unang rumesponde sa eksena sa King Soopers supermarket, sinabi ng hepe ng pulisya na si Maris Herold.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline