Ni REMY UMEREZ

 PATULOY ang baby boom sa showbiz circle. Daddy na ngayon si Vin Abrenica, na ang relasyon kay Sophie Albert ay tumagal ng walong taon and going strong. Bianca ang pangalan ng kanilang baby.

Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

Ano ang pakiramdam sa pagiging ama? “It is a rewarding experience. Hindi na ako nabubuhay para sa aking sarili. I love my parents all the more dahil hindi biro ang maging magulang. Bawa’t sandali ay gusto kong makita ang baby ko. Late this year or next kung wala na tayong pangamba ay balak naming pakasal ni Sophie.”

Tila may dalang bwenas si Baby Bianca. May pelikulang ginawa si Vin titled Nelia na tungkol sa mental illness. Ang role ni Vin ay isang male nurse named Jeff. Kasama sa cast sina Winwyn Marquez, Llyod Samartino at Raymond Bagatsing