Masayang ibinalita ng basketball star player na si Kai Sotto na may baby na sila ng kaniyang misis na si Kapuso actress Rere Madrid, sa social media post niya nitong Lunes, Hunyo 22.
Makikita sa post ang ilang clips hinggil sa magandang balita ng mag-asawa sa kanilang mga kaanak, gayundin ang ultrasound ni Rere.
"For a while, we’ve been living in our own little world. Holding onto a secret that made every day feel like an adventure," ani Kai sa kaniyang post.
"Every moment, every plan, every quiet smile. It was all for you. And now, we finally get to share it."
"WE'RE HAVING A BABY!!!"
"Our greatest adventure is just beginning, and you’re already the best part of it. Now, team GIRL or team BOY," aniya pa.
Umani naman ito ng pagbati mula sa mga netizen at mga kilalang personalidad, lalo na sa kapatid ni Rere na si Kapuso star Ruru Madrid.
"Congratulations Bunso at Bayaw! Mahal ko kayo," aniya.
Matatandaang noong Mayo 27, nanggulat ang dalawa nang ibida nila ang kanilang pagpapakasal.
Nag-hard launch ng kanilang relasyon sina Kai at Rere noong Hulyo 2024, nang dumalo sila together sa GMA Gala.
Maki-Balita: 'No more you and me—only us!' Kai Sotto, Rere Madrid kasal na!