ni Marivic Awitan

NAPILI ang Filipino boxing icon Senador Manny “Pacman” Pacquiao para sa Chooks-to-Go Fan Favorite “Manok ng Bayan” Award sa gaganaping PSA Awards sa Marso 27.

Ang natatanging boksingero na nagwagi ng walong world titles sa walong magkakaibang weight divisions, itinuon ni Pacquiao ang atensyon sa mga programa para labanan ang COVID-19 pandemic sa bansa.

“Notwithstanding the pandemic, Pacquiao went around the country to help affected communities with their everyday needs. In all, he already donated more than 5,000 kilos of chicken, rice, and canned goods, aside from financial assistance in his various sorties nationwide,” ayon sa sponsor na Chooks-to- Go.

National

Cynthia Villar, nasaksihan bilang ina pagsisilbi ni Camille Villar sa bayan

“With this, we are honoring Manny Pacquiao as the 2020 Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ awardee.”

Ang Pambansang Kamao ay 5-time winner ng prestihiyosong PSA Athlete of the Year honor noong 2002, 2003, 2004, 2006 at 2009