Ni MERCY LEJARDE
GAWING Sunday habit ang bonding ng buong pamilya sa panonood ng mga kaabang-abang na pelikulang handog ng GMA Network.
Ngayong Linggo, Marso 21, tunghayan sa Kapuso Movie Festival ang Bee Movie. Sundan ang kuwento ni Barry B. Benson, ang bagong graduate na bubuyog na itinakdang magtrabaho sa paggawaan ng honey. Sa isang espesyal na paglalakbay sa labas ng kanilang hive, makikilala niya si Vanessa, isang florist sa New York City na sasagip ng kaniyang buhay. Magiging magkaibigan ang dalawa at tutulungan nito si Barry na matuklasan ang ilang katotohanan tungkol sa mga tao.
Samantala, ipapalabas naman sa Telesine Presents ang fantasy drama na Adelantada kung saan tampok sina Angelika Dela Cruz bilang si Ada at Dingdong Dantes bilang ang celebrity crush niyang si Enrick. Sa kasamaang palad, malalaman ni Ada ang hindi magandang ugali ng iniidolo. Siya ay sasailalim sa isang major transformation sa pamamagitan ng mahika at dahil dito muling magtatagpo ang landas nila ni Enrick.
Tutukan ang mga pelikulang ito sa Kapuso Movie Festival bago mag-All-Out Sundays at Telesine Presents pagtapos ng The Boobay and Tekla Show sa GMA-7.