ni Nora V. Calderon

SIMULA na ngayong Lunes, March 22, ang romantic-drama weekly series na “I Can See You: On My Way To You. Pinagbibidahan ito nina Shaira Diaz at Ruru Madrid, na magtatambal din sa inaabangang serye na Lolong.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Hindi kaya magselos ang kani-kanilang loves? No problem daw naman dahil open ang relasyon nina Shaira at EA Guzman at sina Ruru at Bianca Umali. Natawa si Shaira, dahil ang tagal na raw nila ni EA, wala na raw silang selosan. Saka ngayon daw ay naiintindihan na ng audience ang pinapanood nila, na acting lamang ang ginagawa nila.

Sa ngayon ay busy ang apat na Kapuso actors, dahil kung magkatambal man sina Shaira at Ruru, may project ding ginagawa si Bianca, ang Legal Wives na isa siya sa asawa ni Dennis Trillo sa serye. Si EA naman ay isa sa katambal ni Julie Anne San Jose sa Heartful Cafe na malapit na ring mapanood sa Gtv channel ng GMA simula sa April 5.

Gaganap na isang run-away bride si Shaira, tatakbuhan din ba niya si Ruru? Mapapanood na simula ngayong gabi, March 22, ang ICSY: On My Way To You, after ng “First Yaya” sa GMA-7.