Ni BELLA GAMOTEA
Naglagay na kahapon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kanyang kauna-unahang granulator at brick-making facility sa isa sa kanyang flood control facilities upang mabawasan ang mga basurang itinatapon at natatagpuan sa mga daluyan ng tubig na napupunta sa pumping stations.
Sa ginanap na seremonya ng inagurasyon sa Vitas Pumping Station sa Tondo, sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na ang mga pasilidad, na DOST-approved Filipino patent, na hindi lamang makatutulong na mabawasan ang mga basura/solid waste kundi mapatagal ang buhay sa paghahatid serbisyo sa mga landfill.
Ang mga nakokolekta na bio-waste at plastics sa mga pumping stations ay ikoconvert bilang by-products gaya ng bricks, eco-hollow blocks, eco-concrete barriers, at bio-waste compost materials.
“It is my ardent hope that through our initiatives under the Metro Manila Flood Management Project, we will be able to reduce the risks to vulnerable communities due to flooding and excessive waste generation,” sabi ni Abalos.
Inihayag din ni Abalos na ang instalasyon ng solid waste granulator at brick-making facility na maaaring mapigilan ang pagkasira ng mga pumping stations dulot ng basura na itinatambak sa mga daluyan ng tubig.