ni Nitz Miralles
NAGPA-Q&A si Heart Evangelista sa kanyang IG Stories at may nalaman na naman ang kanyang fans. Sa tanong na “How do you re-invent yourself?” kasi nga marami ang nakakapansin na mas naging fashionista ang Kapuso actress.

Sagot ni Heart, “I actually didn’t do anything:) a lot of people asked me if I have a pr company or someone that manages my “branding” but I just got older:) I just got comfortable with me being me. Unapologetic about being “me” I think being in showbiz for almost 24 years and experiencing a lot of let downs you get tired of thinking what else can I do for people to like me... you can’t. I am not for everyone... I am aware not a lot of people like/get me and I’m finally fine with that:) as long as I know what’s in my heart... I am at peace now with who I am:) so I guess that’s how it all started to change.”
Sa nagtanong naman sa ginawa niyang international movie na nag-shooting pa sa China, Bloody ang sagot ni Heart at pinost ang legs at knees niya na puro dugo at may bandage pa.
Nabanggit na dati ni Heart na action movie ang international movie na ayaw pa nitong banggitin ang title. May action scenes daw siya at takbo siya ng takbo. Kapag puwede na sigurong banggitin ang title, ibabalita rin ito ni Heart.
Samantala, sa April na raw magsisimula ang lock-in taping nina Heart at Richard Yap at iba pang cast ng series ng GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon. May mga eksenang kukunan sa Sorsogon, kaya pupunta sina Heart, Richard, at ibang cast na may eksena roon.