Ni NORA V. CALDERON

Hindi pala nagbibiro si boss Vic del Rosario na ngayong tapos nang mag-shooting si Megastar Sharon Cuneta ng comeback movie niya sa Viva Films, ang Revirginized, kasama si Rosanna Roces at leading man niya si Marco Gumabao, at may kasunod na rin siyang gagawing isa pang pelikula.

Natawa nga si Sharon na kung kailan daw kinu-consider na niyang mag-retire sa showbiz saka naman sunud-sunod ang dating ng work niya, TV at movies.

Sino kaya ang magiging leading man ngayon ni Sharon? Sabi lamang ng Viva Films, isang nagbabalik raw na dating ka-love team ni Mega. Mukhang malabo si Gabby dahil may ginagawa itong rom-com series sa GMA-7, ang First Yaya, si Ormoc City Mayor Richard Gomez naman ay abala sa kanyang bayan dahil sa pandemic na pinagdaraanan ng mga constituents niya. So, si Robin Padilla kaya iyon? Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng movie or TV show si Robin ngayon kaya possible na siya na kaya? Hintayin na lamang natin ang susunod na announcement ng Viva Films or ni Megastar

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight