Matapos makapag ­bakasyon nang matagal-tagal si Glaiza de Castro sa Ire­land with her Irish boyfriend, ngayon ay back to work na siya.

Nagsimula na nga ang lock-in taping nila ng upcoming GMANetwork drama series ang re­make ng Nagbabagang Luha na unang ginampanan nina Lorna Tolentino at Gabby Concep­cion.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Bago sila tuluyang pumasok sa location, nagpakita muna ang produc­tion kung sinu-sino ang ga­g a n a p sa serye. Pangun­gunahan ito nina Gl a i z a at Ray­v e r Cruz, at i d i ­direk ni Ms. Gina Alajar.

S o , nangan­gahulu­gan ito na pahinga m u n a ang cast ng natapos nang after­noon prime series na Prima Don­nas na magkakaroon ng Book 2, dahil magdidirek muna ng ibang serye si Ms. Gina.

Since naka-lock-in taping na rin sina Glaiza at Rayver, hindi na muna sila mapapanood sa kanilang Sunday noontime vari­ety show na All-Out Sundays, ng GMA-7.