ni Ador V. Saluta

Nagpaalam na rin ang character actor na si Baron Geisler sa kanyang rugged, at long hair look.

Kahit na maraming nagsasabi na hindi raw siya malinis tingnan, nakakatakot at mukhang adik, gayunpaman pinanatili ni Baron ang kanyang mahabang buhok sa loob ng limang taon.

“Nakatulong sa character ko yung hair ko dati, parang naging statement din kasi siya like don sa role ko sa [FPJ’s] Ang Probinsyano at sa Tililing. Kung hindi siguro ganun yung hair ko baka hindi rin ako nai-cast,” paliwanag ni Baron.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

At bakit nga ba siyang nagpaputol ng buhok ngayon?

“Kailangan sa isang serye ng Viva na ilalabas sa TV5, eh, kaya ako nagpa-cut. Gusto ko rin ng new look at nire-require yon ng character na gagampanan ko..”

Dahil din sa bagong anyo, clean-cut niyang itsura, hindi na raw naiilang ang fans na lumapit at batiin niya.

“Ngayon nga, hindi na rin sila natatakot lumapit sa akin at kausapin ako kasi pakiramdam nila ang bait-bait ko na dahil dahil sa bago kong hair,” natutuwang sabi ni Baron.