ni Ador V. Saluta
Pinabulaanan ni Nash Aguas ang kumakalat na balitang buntis daw ang girlfriend nitong si Mika dela Cruz.

Nagsimula na maging usap-usapan sa social media ang buntis-isyu pagkatapos mapanood ang video ng dalawa online, kung saa’y nakasuot ng puting dress at nakakandong pa si Mika kay Nash.
Naging mag-on ang dalawang noong 2018, pagkatapos sabihin ng young actor na childhood crush niya ang dating kasamahan sa Going Bulilit.
Ang YouTube channel na nag-post ng report na nakalap sa Instagram photo nina Nash at Mika at gumawa ng false narrative, ayon kay Nash.
“Itong picture na ito, mukhang nakapambinyag si Mika. So sabi ko sa caption, ‘Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz...’ kasi mukha siyang bibinyagan. So kaninang umaga ko yon pinost. So ayon sa YouTube buntis na si Mika.
“Sinend sakin ng tropa yung link HAHAHAMAGINGAT PO KAYO SAFAKE NEWS bye socmed na ulit HAHA,” paliwanag ni Nash sa isang IGpost. Naniniwala si Nash na si Mika na ang ‘the one’ para sa kanya.
“One year po [akong nanligaw].’Yung iyak ko po noon [noong sinagot ako] parang pang-’TV Patrol. Kasi ang istorya noon, noong bata po ako crush na crush ko siya,” sinabi ni Nash sa isang panayam noong 2018.