ni Nora V. Calderon
NAGBAGO na ng plano si Kris Aquino kung saan siya susunod na lilipat ng tirahan. Kung dati ang gusto niya ay bumili ng isang beachfront house, na titirahan niya ng ilang buwan, hanggang sa makahanap siya ng susunod na titirahan para malayo siya sa city. At balak niya noon ay bibisitahin lamang niya every six weeks ang panganay niyang si Josh na nakatira na sa Tarlac kasama ni former President Noynoy Aquino, at ayaw nang sumama sa kanila ng bunso niyang si Bimby.
Ngayon ay nag-desisyon na si Kris na gusto na niyang permanently, manirahan na sa kanila sa Tarlac. Marami nang kinu-consder si Kris na locations sa Tarlac, dahil gusto na rin niya talagang lumayo sa city.
“Cards on the table, I was readying to switch my voter’s registration to Sitio Alto, Barangay Central, Tarlac,” Instagram post ni Kris last Monday, March 8.