Ni MERCY LEJARDE

MAY pag-asa pa sina Amanda Zamora at Ralph Malibunas na mapabilang sa Big 4 at makatuntong sa Big Night ngayong Linggo (Mar 14) habang natapos na ang laban ni Chico Alicaya sa Pinoy Big Brother (PBB) Connect na nasa final week at mapapanood na rin sa TV5.

Sa ginanap na 11th eviction night noong Linggo (Marso 7), ang tinaguriang Striving Footballer ng Cebu ang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa taumbayan kung kaya sina Amanda at Ralph ang tinanghal na Big 4 Challengers.

Nakakuha si Amanda ng 31.7% ng pinagsamang Kumu at text votes, habang si Ralph naman ay may 5.66% at -6.12% lamang ang kay Chico. Akala nina Amanda, Ralph, at Chico na tatlo silang mapapalabas sa bahay ni Kuya matapos magwagi sina Andrea Abaya, Jie-Ann Armero, Liofer Pinatacan, at Kobie Brown sa “Apat na Karapat Dapat” Challenge upang maging Big 4. Ngunit, laking gulat nila sa anunsyo na may dalawang napili ang taumbayan na bigyan pa ng isang pagkakataon na matupad ang pangarap. Bakas naman sa mukha ng kasalukuyang Big 4 na sina Andrea, Jie-Ann, Liofer, at Kobie ang gulat at kaba na maaring maagaw pa sa kanila ang titulong Big 4. Kaya naman sa huling linggo ng “PBB Connect,” kailangan subaybayan ng viewers kung may kapalaran nga bang mababago sa mga natitirang housemates.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya

Kaya naman abangan at pakatutukan ang mga hamon na kahaharapin pa nina Amanda at Ralph sa dalawa sa kanilang mga housemate. Manaig kaya sila at makapasok sa pinal na Big 4? Subaybayan ang mga umaatikabong kaganapan sa huling linggo ng “PBB Connect” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, at TV5.