ni Nitz Miralles
GUSTONG malaman ng mga nakapanood ng video ni John Lloyd Cruz kung sino ang binati nito ng “Hello! Magandang gabi” at kasunod ng pagbati ng mensahe pang “Sana masarap ang tulog mo ngayong gabi” at sinundan ng “good night.”

May kilig daw ang message ni John Lloyd sa video, kaya marami ang naniniwalang babae ang pinatutungkulan ni John Lloyd ng kanyang greetings. Sa background kasi ng video, maririnig na tinutukso ng kanyang mga kaibign ang aktor at ang sabi, may bagong nagpapakilig sa kanya.
Gusto ngayong malaman ng netizens, lalo na ng fans ni John Lloyd kung sino ang nagpapakilig sa kanya. Kung ang ex niyang si Ellen Adarna ay masaya sa piling ni Derek Ramsay, deserve rin daw ni John Lloyd na magkaroon ng masayang love life