Ni REMY UMEREZ
ISA sa napilayan ng husto sa pagsasara ng ABS-CBN ay ang Dr. Love Radio Show ni Bro. Jun Banaag. Twice a week na lamang napapakinggan ang counselling program at one hour na lang. Ika nga ni DJ Richard Enriquez, ikaw na lang ang natitira diyan. Si Bro. Jun na rin ang pabirong umamin na kulang pang pambayad sa Meralco ang kinikita niya.
Higit pa sa pagiging loyal Kapamilya ay malaking bahagi sa kanyang buhay ang programang tumagal ng dalawang dekada. Ginawang panata ni Bro. Jun ang ipabatid ang salita ng Diyos.
Parang sa ngayon na maibalik sa dating time slot ang Dr. Love Radio Show. Hirit ng mga sumusubaybay na gawing two hours man lang ang programang nagkamit ng maraming parangal from Award giving-bodies tulad ng CMMA.