ni Marivic Awitan

NAKAMIT ng pangunahing skateboarder ng bansa na si Margielyn Didal ang natatanging award sa 2020 Asia Skate Awards.

Itinanghal ang 2018 Asian Games at 30th Southeast Asian (SEA) Games double gold medalist bilang inaugural Women’s Asia Skater of the Year.

Napasakamay din ni Didal ang halagang $1,500 kaakibat ng pagwawagi niya ng pinakamataas na karalangalan at karagdagan pang $300 matapos mangibabaw sa Style for Miles at Fastest Feet in the East categories.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Itinuturing din ang Cebuana skateboarder na virtually qualified sa daŕating na Olympics dahil kasalukuyan siyang No. 14 sa 20 skateboarders na maglalaban-laban sa Tokyo Games.

Dapat ay magtutungo si Didal sa Peru upang ipagpatuloy ang kanyang Olympic qualifying sa dapat na qualifier na idaraos doon. Subalit nakansela ito dahil sa COVID- 19.