Ni DANTE A. LAGANA

BISI-BISIHAN ang dating Kapamilya artist at ngayon nga ay Kapatid artist (TV5) na si Billy Joe Crawford. Matatandaang mula nang magkaproblema sa franchising ang ABS-CBN, doon na nagkaroon ng depressing moments sila Billy at ang kanyang loving wife na si Coleen Garcia. Kaya nga naisipan niya na noong mangibang bansa dahil sa walang kasiguraduhan na ang kanilang career pagkatapos maibasura ng Kongreso ang franchise application ng Kapamilya network noong July 10, 2020. Down na down si Billy noon dahil nga naman kabubuo lang ng kanyang sariling pamilya. Aniya nga nagdesisyon man siyang lumipat sa TV5 it is for the sake of his son and his family.Ngayon, ibang Billy na ang humarap sa mga movie press sa naganap na virtual mediacon ng kanyang bagong game show na The Wall Philippines ng TV5 na gawa mula sa VIVA Entertainment. Kaabang-abang ang game show ni Billy na may twist dahil mapapanood na ito sa Sabado, March 13 at 6 p.m. sa TV5.Pero infairness sunud-sunod ang project ni Billy sa Kapatid network. Kaya naman kita ang pagiging maaliwalas ng mukha at todo ngiti ni Billy sa bawat tanong ng mga press sa kanya.Sa unang salang ng Q&A sa virtual mediacon natanong ng Balita si Billy. Kumusta na siya bilang Kapatid star, bilang father ng kanyang anak na si Baby Amari at bilang husband ni Coleen? Saad niya, “Una sa lahat yun nga ang sinasabi ko I’m sobrang blessed, super happy ako. Una sa lahat napakatapang, napakaganda, napakasexy ng asawa ko. Pangalawa, napaka-cute ng anak ko kahit hindi ko kamukha, kamukha ng asawa ko. Napakabait pa ng anak ko, hindi masyadong umiiyak, laging bungisngis, laging ngumingiti and to top it off yung icing sa cake na binibigyan pa rin ako ng pagkakataon para gawin yung ginagawa kong trabaho at para ipakita pa rin sa mundo na nandito pa rin ako. So I’m really really blessed yun yung pakiramdam ko.”For sure tuwang tuwa si Coleen sa mga blessings na natatanggap ni Billy mula nang lumipat ito sa TV5. Well, kailan naman kaya siya magiging active muli bilang isang mang-aawit? Ayan ang pakakaabangan ng mga fans ni Billy.

Charo Santos, Dingdong Dantes papasok sa Bahay Ni Kuya