Ni NITZ MIRALLES
SAYANG at hindi binanggit ni Sharon Cuneta ang pangalan ng mga artistang sinabi niya sa isang interview na ikinahihiya niya dahil nagpapabayad para mag-post ng fake news. Hiningi kasi ang opinyon ni Sharon tungkol sa lumabas na may mga celebrities at influencers na nagpapabayad para raw magkalat ng fake news.

“Oh my God, ikinahihiya ko sila. Kasi kunyari pag artista ka, nung kalakasan ko noong araw, may tatakbo kunyari na president, o-offer-an ka nang milyun-milyon para sila endorsohin mo.
“Never ako nagpabayad. Lagi akong... I rather go with this one kahit matalo kasi yung prinsipyo or whatever my beliefs were pumapantay.
“Parang sa endorsements, this is a well-known fact in the advertising industry. You can talk to anybody in any advertising company...
“Sa dami ng endorsement offers na tinanggihan ko over the decades dahil ang feeling ko, babayaran nga ako pero yung produkto, parang palpak ‘to or yung serbisyong ‘to, hindi ko malunok.”
Dagdag ni Sharon, kung pinatulan niya lahat ng endorsements na in-offer sa kanya, doble tiyak ang naipon niya sa ipon niya ngayon.
“Alam ko mahirap ang buhay, pero when does it stop? When does the moral high ground come in? Do you even have it? Do you even know it? Kaso di hamak na mas rerespetuhin ko ang isang totoong tao na tapat sa ginagawa kesa dun sa pasimple kang nagpapabayad para mag-spread ka ng peke. Ginagamit ko yung impluwensya no sa maling paraan para kumita.”
Patuloy ni Sharon, “It’s despicable to me. It’s unacceptable to me. Ikinahihiya ko na sabihing kasama ko sila sa industriya.”
Ano kaya ang magiging reaction ng mga celebrity at influencers na natamaan sa pahayag na ito ni Sharon? O, may mag-react kaya?