Ni MERCY LEJARDE
NAG-START na ang shooting ng Kontrabida kung saan bida si Nora Aunor at nakasama niya dito ang isa sa cast ng Anak Ng Macho Dancer na si Charles Nathan.
Nag-pm chat si yours truly kay Charles at tinanong ko ito ko ito kung anong masasabi niya sa Superstar.
“ Isang malaking karangalan po sa akin na makasama sa isang movie ang nag iisang Superstar Ms. Nora Aunor.
“Nakita ko at naramdaman na mabait siyang tao. Nakikipagbiruan sya sa akin at masaya siyang kasama.
“Sa pag-arte ay talagang napakagaling nya kaya napakaswerte ko na maka eksena siya mismo.
“Ang role ko dito ay pamangkin ako ni Tita Veron bilang si Erlinda Villalobos na hinahanap namin dahil naguulyanin na at dating kasamahan ni Anita bilang si Ms. Nora Aunor at silang dalawa lang ang ka eksena ko sa buong movie.
“Hindi ko malilimutan yung ginawa namin na mabigat na eksena. Iba ang nagagawa ng mga mata ni Ms. Nora Aunor kasi nadadala ka din nya sa gustong mailabas na pag-arte sa bawat eksena. Pagkatapos ng eksena namin na iyon, hinding-hindi ko talaga malilimutan ang pagtawag nya sa akin ng “Anak ang galing mo”, yung masabihan ka ng ganito ng isang Superstar Ms. Nora Aunor talagang para kang nabunutan ng tinik sa dibdib na hindi mo maipalawanag dahil sa sobrang saya ko sa narinig ko mula sa kanya. Sobrang napakabait nya sa akin.”
Pagtatapos na tsika nitong si Nathan Charles na talagang all praises kay Ate Guy.