Ni NORA V. CALDERON

PURING-PURI ng mga netizens ang acting ni Kapuso actress Klea Pineda, nang magsimula nang ipalabas ang mga fresh episodes ng high-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

Kaya naman makikita sa YouTube channel ng GMA Network na punung-puno ng mga positibong komento ang mga eksena ni Klea bilang Clarisse Santos-Almonte sa serye simula nang malaman niya na niloloko siya ng asawang si Jio (Jeric Gonzales) at ng boss niya na si Veron (Sheryl Cruz).

Komento ng isang netizen, “Super galing ni Clarisse...100%. I will vote for Best Actress for this girl. So real to act.” Ani naman ng isa, “This girl nailed it! We all feel the pain and tears of Clarisse. Our hearts are full of her pain and our eyes are full of tears.”

Dagdag pa ng isa, “Grabe ang husay ni Klea. Parang married na siya sa tunay na buhay...Damang-dama ang bawat linya.”

Kaya hindi raw sila bumibitiw subaybayan ang painit nang painit na mga eksena sa Magkaagaw mula Lunes hanggang Sabado.