June 19, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Preventive measures kontra panic attack

ALAMIN: Preventive measures kontra panic attack
Photo courtesy: Unsplash


Tuwing Hunyo 18, ginugunita ang “International Panic Day,” na may layong paalalahanan ang bawat indibidwal na huminga at bigyang-diin ang kahalagahan ng “mental health awareness.”

Sa araw na ito, binibigyang-pansin at kinikilala ang “anxiety” at takot na nadarama ng isang tao—na siyang nagbubukas ng diskusyon kaugnay sa nasabing usapin.

Ngunit sa gitna ng paggunitang ito, mahalagang malaman kung ano nga ba ang pakahulugan ng “panic attack” at paano nga ba ito mapipigilan at malalabanan.

KAHULUGAN NG PANIC ATTACK

“Panic attacks are sudden, intense feelings of fear that cause physical symptoms like a racing heart, fast breathing and sweating. Some people who experience panic attacks develop panic disorder, a type of anxiety disorder. Therapy and medications can treat panic attacks and panic disorder,” ayon sa pakahulugan ng Cleveland Clinic Organization.

#BALITAnaw: <b>Si Rizal, ngayon at magpakailanman</b>

Pagdidiin ng nasabing klinika, ito raw ay maituturing na “main feature” ng panic disorder—na siyang maaaring mangyari kasabay ang ilan pang kaugnay na kondisyon gaya na lamang ng anxiety disorder, mood disorders, phobias, at iba pa.

“While panic attacks by themselves aren’t dangerous or harmful to your health, frequent attacks can lead to a decrease in your quality of life and other issues,” anang klinika.

KADALASANG SINTOMAS NG PANIC ATTACK

Batay sa parehong medical source, ilan sa mga kadalasang sintomas ng panic attack ay ang pananakit ng dibdib, mabilis na pagtibok ng puso, hirap sa paghinga, panginginig, sweating, nausea, at iba pa.

Abiso nila, agad na idulog sa isang medikal na eksperto kung nagkakaroon na ng sintomas ng panic attack. 

Sila ang makapagbibigay ng opisyal na diagnosis kaugnay sa nabanggit na kondisyon.

PARAAN UPANG AKSYUNAN ANG PANIC ATTACK

Base sa Cleveland Clinic Organization, isa sa mga paraan upang bigyang-aksyon ang panic attack ay ang “psychotheraphy.”

Sa paraang ito, malalaman ng isang indibidwal kung ano nga ba ang mga nararanasan niyang unhealthy emotions, thoughts, and behaviors—na kalauna’y matututunan niya ring baguhin.

Nariyan din ang ilang medikasyon na maaaring gamitin upang magsilbing preventive measure kontra panic attack.

Mahalaga lamang na ito ay balido at galing talaga sa isang medikal na eksperto, upang hindi magdulot ng hindi magandang epekto sa isang tao.

Ilan din sa mga suhestiyong nabanggit upang maiwasan ito ay ang pag-iwas sa caffeine, pag-inom ng alak, at paninigarilyo.

Nariyan din ang pag-eehersisyo, maayos na pagma-manage ng “stress,” at pagkakaroon ng maayos na diet.

Mahalagang napag-uusapan ang mga bagay at diskursong may kinalaman sa mental health, gaya na lamang ng panic attack.

Nagsisilbi itong isang paraan upang mas maunawaan ng nakararami kung ano nga ba ito, at paano ito mabibigyang-aksyon.