INDIANAPOLIS (AFP) — Sa sandaling hirap sa kanyang opensa si Stephen Curry, kailangan ng Warriors ang presensiya ni Draymond Green para bigyan ng lakas ang Golden State.

Kumana si Green ng magkasunod na dunk at malapader na depensa sa krusyal na sandali para sandigan ang Golden State sa 111-107 panalo kontra Indiana Pacers nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

“I think in general we don’t really need Draymond to score,” pahayag ni coach Steve Kerr. “We need him to do what he needs energy wise but there are going to be some nights like tonight where we don’t make a lot of shots and if we get a few from Draymond it might put us over the top.”

Tunay na naisalba ni Green ang Warriors para maipanalo ang huling dalawa sa apat na laro sa road.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumipa si Green ng 12 puntos, 11 assists, siyam na rebounds at tatlong steals na naging bentahe ng Warriors para maipanalo ang laro sa kabila ng season-low 19.2% sa 3-point range, kabilang ang 1-of-11 ni Curry na nalimitahan sa 24 puntos.

Nanguna si Malcolm Brogdon sa Pacers na may 24 puntos at kumana si Domantas Sabonis ng 22 puntos at 16 rebounds.

HAWKS 127, CELTICS 112

Sa Atlanta, naitala ni Danilo Gallinari ang franchise record na 10 three-pointer tungo sa kabuuang 38 puntos para sa panalo ng Hawks kontra Boston Celtics.

Nalagpasan ni Gallinari 10 of 12 sa 3-point range ang dating marka na siyam ni Steve Smith noong 1997 kontra sa Seattle. Nalagpasan din ng Hawks ang overall team record sa naitalang 23 of 42 beyond the arc.

Hataw din si Trae Young sa naiskor na 33 puntos.

Nanguna si Jaylen Brown sa Celtics na may 17 puntos.

CAVALIERS 112, ROCKETS 96

Sa Cleveland, napantayan ni Jarrett Allen ang career high 26 puntos at 18 rebounds at may apat na blocked sa panalo ng Cleveland kontra Houston.

Kumasa si Allen, nangunguna sa field goal sa NBA na may 67.2%, sa 10 of 11 shots para makamit ng Cleveland ang ikalawang sunod na panalo matapos sumalampak sa 0-10.

Nagsalansan si John Wall ng 20 puntos sa Houston.

BULLS 133, TIMBERWOLVES 126, OT

Sa Chicago, ipinagdiwang ni Zach LaVine ang pagkakasama sa All-Star Game sa naiskor na 35 puntos para gabayan ang Bulls laban sa dati niyang koponan na Minnesota sa overtime.

Lalaro sa unang pagkakataon sa All-Star bilang reserve, kumana si LaVine ng 14 of 21 shots para makaiskor ng 30 o higit pa sa ika-16 na laro ngayong season.

Nakamit ng Minnesota ang ika10 kabiguan sa huling 11 laro.

Sa iba pang resulta,ginapi ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni Shai Gilgeous-Alexander na tumipa ng 42 puntos, ang Oklahoma City Thunder, 102-99; tinusta ng Miami Heat ang Toronto Raptors, 116-108; at namayagpag ang New Orleans Pelicans, sa pangunguna ni Zion Williamson na may 32 puntos, laban sa Detroit Pistons, 128-118