Ni NORA V. CALDERON
Nakakabilibnaman si Director Mark Reyes, naging very busy siya sa paglo-launch ng proyekto niyang Voltes V: Legacy at matapos ang launching, pinaghandaan naman niya ang mga detalye para sa pagsisimula ng lock-in taping nila ng serye sa March, dahil matagal-tagal nila itong gagawin, what with the special effects na gagamitin nila.
Pero kahit very busy si Director Mark, tinanggap pa rin niya ang pagdidirek ng isang episode ng mini-series na I Can See You, na season 2 offering na ng GMA Network pagkatapos ng unang four-mini series sa season 1, na ngayon ay ipinalalabas na sa Netflix Philippines.
Nagsimula na nga sila ng lock-in taping ng first episode ng mini-series na On My Way To You na pagtatambalan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, kasama si Malou de Guzman.
Bale ito na muna ang gagawin nina Ruru at Shaira, bago nila simulan ang action-drama series na Lolong para pa rin sa GMA Network.