ni Ellalyn De Vera-Ruiz

Kung ngayon na gaganapin ang May 2022 elections, maaaring mangunguna sina Senador Manny Pacquiao at Sorsogon Gobernador Francis Escudero sa senatorial polls, batay sa mga resulta ng survey ng OCTA Research Team na inilabas nitong Martes, Peb. 23.

Ang independent at non-commissioned Tugon ng Masa survey na isinagawa mula Enero 26 hanggang Peb. 1, sa 1,200 respondents ay hiniling na pumili ng 12 pangalan mula sa isang listahan ng mga potensyal na kandidato sa pagka-senador. Binigyan din sila ng pagpipilian upang magbigay ng isang pangalan na wala sa listahan.

Si Pacquiao, na ang probable senatorial bid ay suportado ng 57 porsyento ng mga respondente, ang nasa una at pangalawa sa survey.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Sinundan siya ni Escudero (53%) na maaaring pumuwesto sa una hanggang pang-apat, habang ang maaaring pagtakbo ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (50%) ay maaaring ilagay siya mula ikalawa hanggang ikalima.

Ang iba pang maaaring kandidato sa pagka-senador sa loob ng statistical chance na manalo sa halalan sa Mayo 2022 ay sina broadcaster Erwin Tulfo (47%, second-eighth); Antique Rep. Loren Legarda (46%, third-ninth), Manila City Mayor Francisco Domagoso (44%, fourth-ninth), Senator Panfilo Lacson (43%, fourth-10th), dating Senator Ferdinand Marcos Jr. (42%, fourth-10th), Senator Juan Miguel Zubiri (40%, fifth-10th), dating Senator Jinggoy Estrada (37%, seventh-13th), dating Senator JV Ejercito (34%, 10th-17th), Senator Sherwin Gatchalian (33%, 10th-20th), dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (32%, 10th-20th), dating Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino (31%, 11th-21st), Senator Richard Gordon (30%, 11th-22nd), Senator Francis Pangilinan (30%, 11th-22nd), Batangas Rep. Vilma Santos-Recto (28%, 11th-22nd), dating Senator Mar Roxas (27%, 12th-24th), Senator Risa Hontiveros (27%, 12th-24th), at Leyte Rep. Lucy Torres Gomez (27%, 12th-24th).