PARA sa mga motorista, tuloy pa rin ang biyahe ngayong bagong taon. Kaya naman paalala ng Prestone Philippines, ang nangungunang taga-gawa ng cutting-edge coolants at brake fluids sa bansa, dapat laging handa ang ating mga sasakyan para sa mas ligtas na paglalakbay ngayong 2021.

Una sa listahan para maging handa ang sasakyan ay ang pagsasagawa ng preventive maintenance. Dapat mas maging mapanuri at regular sa paggamit ng fluids kagaya ng oil, coolant, brake fluid, at maging gasolina. Isabay na rin ang pagtingin sa mga parte nito kagaya ng gulong, ilaw, baterya, at makina para masigurong nasa maayos pa itong kundisyon. Mas mainam rin na ipatingin ito sa isang mapagkakatiwalaang mekaniko.

Isa pang paraan para ihanda ang sasakyan para sa kalsada ay ang paggamit ng mga high-quality na produkto gaya ng Prestone Auto Transmission Fluid (ATF) para maiwasan ang mga leaks at mga dry o cracked seals, at ang Prestone Power Steering Fluid (PSF) para mapino ang power steering ng sasakyan. Meron din silang Prestone DOT 4 Synthetic Hi-Temp Brake Fluid para sa mga brake system na kailangan ng DOT4 brake fluid.

Gusto rin ipaalala ni Prestone na magingat sa mga produktong ginagamit sa inyong sasakyan lalo na ang brake fluid. Ang paggamit ng pekeng brake fluid ay maaring makasira o mapainit ng labis sa makina at makadulot ng aksidente.

Upang malaman ang authenticity nito, siguraduhin ding mayroon itong PS mark o ICC sticker na inisyu ng Bureau of Product Standards ng Pilipinas at tingnan nang maigi ang mga detalyeng nakadikit sa produkto para sa mga posibleng diperensya. Magingat rin sa mga sellers na nagbebenta ng produktong may kaduda-dudang presyo.

“Ngayong bagong taon, panahon na magsimula tayo ng pagbabago sa ating buhay matapos ang isang taong pagtitiis. Bilang importanteng kasangkapan sa ating buhay, kailangang panatilhinin natin ang ating sasakyan upang matulunga tayo nito para sa ating mga gawain araw-araw, Sabi ni Paolo Lao, marketing director ng Prestone Philippines.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Prestone, bisitahin ang kanilang website,https://www.prestone.com.ph/at i-follow ang kanilang Facebook page, Prestone Philippines.