ni Bert de Guzman

Tinalakay ng House Committee on People’s Participation sa pamumuno ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes at ng Russian Federation Embassy ang tungkol sa status ng Russia’s vaccine laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa opening remarks, sinabi ni Robes na ang adhikaing ma-immunize ang mga Pilipino laban sa COVID-19 disease ay higit na nagiging mahalaga hindi lang para maibangon ang Pilipinas sa panlulupaypay ng ekonomiya kundi para maisalba rin ang buhay ng mga mamamayan.

Binigyang-diin ng kongresista ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga tao sa COVID-19 vaccination program.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

“Dahil ang people’s participation ay nag-uugnay sa lahat ng klase ng tao, mayaman man o mahirap, at higit sa lahat, ang civil society o ang nasa gobyerno,” aniya.

Binanggit nito na ang kahandaaan ng Russian government na mag-supply ng mga bakuna nito sa bansa. “We are favored with the readiness of the Russian Direct Investment Fund (RDIF) and the Russian Government in general, to start the Russian Corona virus vaccine supply to the Philippines,” dagdag pa nito.