ni Marivic Awitan

LUMAGDA ng bagong multi-peso contract sa loob ng tatlong taon sa Alaska Aces ang dating La Salle star Jeron Teng.

Kinumpirma ito ni Aces team governor Dickie Bachman na tumanggi namang isiwalat ang nilalaman ng kontrata.

Ang dating La Salle standout ang pangalawa sa nagtala ng pinakamagandang performance para sa Aces nitong 2020 PBA bubble kung saan nagposte ng averages na 11.09 puntos, 4.73 rebounds at 4.09 assists sa 11 games.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Napiling fifth overall noong 2017 PBA Rookie Draft, ang 26-anyos na si Teng ay inaasahang magiging susunod na franchise face ng Aces sa ilalim ni coach Jeffrey Cariaso.

Nauna rito, pinapirma rin ng Alaska ang free agent big man na si Yousef Taha ng isang taong kontrata kasunod ng pagpapapirma ng one-conference deal sa MPBL star na si Gab Banal na muling nagbabalik ng PBA mula ng huli itong maglaro sa liga noong 2016.

Samantala, hinihintay pa rin ng mga fans ng Aces ang pagpirma ng bagong kontrata ng star forward ng koponan na si Vic Manuel.