Ni NITZ MIRALLES

Muling ginulat ni Andrea Torres ang followers niya sa Instagram sa kanyang latest post kung saan, nakasuot siya ng white body suit at labas ang kaseksihan. Kaya naman pati kapwa aktres ay napa-comment din ng paghanga sa kanya.

Kabilang sina Rita Avila, Max Collins, Lovi Poe, Valeen Montenegro sa nag-comment na “hot” at “fierce” raw si Andrea.

Si Ashley Rivera, nag-comment na akala niya si Jennifer Lopez ang nasa litrato. Sinegundahan ito ni Valeen na nagsabing, puwede na siyang tawaging Andrea Lopez.

‘Hindi nakakatuwa!’ Karla Estrada, nabuwisit kay Ogie Diaz

Si Xander Angeles ang kumuha ng sexy photos ni Andrea at naka-tag sa Instagram nito ang “for @edgeoflightstudios. Wala namang caption si Andrea sa kanyang post sa litrato na nanggulat sa mga nakakita.

May follower lang si Andrea na nag-comment ng “yung sinayang mo @ramsayderek07” na ang tinukoy ay ang ex-boyfriend niyang si Derek. May fan pala si Andrea na nagtanong kung kapag nag-airing na raw ba ang Legal Wives ay magpo-post pa siya ng kanyang sexy photos? Sa mga litrato raw kasi ni Andrea na nakikita niya sa behind-the-scenes ng taping ng cultural drama ng GMA-7, walang suot na sexy dress ang aktres