ni Bella Gamotea at Jun Fabon

Nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang humigit-kumulang sa P5 milyong halaga ng ecstasy kasunod ng pag-aresto sa isang lalaki na tumanggap ng package ng popular na party drug na ipinadala sa pamamagitan ng Philpost Central Office sa Maynila.

Ang 2,878 pirasong ecstacy na may karaniwang presyo na P4,892,000 ay nagmula sa Netherlands. Isinagawang controlled delivery operation sa Manila Central Post Office, nitong Lunes ng tanghali. Kinilala ang inarestong suspek na si “Ronron Salonga” mula sa Port Area, Manila, na kumuha ng parcel sa nasabing post office dakong 12:00 ng tanghali.

“The party drugs were concealed inside a box of clothes and shoes shipped by a certain Mary Lumbao Edwards from the Netherlands and consigned to Susan Lumbao of Malate, Manila,” sinabi ni PNP chief Gen. Debold Sinas. Ayon kay Sinas, ang operasyon ay nagsimula sa isang tip-off tungkol sa pagdating ng isang parsela na naglalaman ng iligal na droga. Isinagawa ang isang intelligence build-up hanggang sa magkaroon ng mas detalyadong impormasyon ang parehong PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Dakong 12:30 ng hapon nitong Lunes, ang mga ahente ng PDEG at PDEA ay lihim na nakaposisyon sa Philpost Central Office at kalaunan, dumating ang isang lalaki at inangkin ang package. Noon ipinahayag ang pagdakip.

Si Salonga ay nahaharap sa mga kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) in relation to Section 118 (Prohibited Importation), Section 1113 (Goods Liable for Seizure and Forfeiture) at Section 1401 (Unlawful Importation) of the Republic Act 10863, o mas kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).