Ni ADOR V. SALUTA
MUKHANG malabong humupa ang espekulasyon ng ilan sa tunay na relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna bagamat ayon sa aktres ay friends lang daw sila. Why? Nito kasing Valentine’s Day ay inupload mismo ni Derek sa kanyang social media accounts ang dinner sa kanyang mansion sa Alabang at spotted muli sa bahay si Ellen kasama ang pamilya at friends ng aktor.

Mukhang pinaghandaan ni Derek ang dinner dahil bago iyon ibinahagi nito sa IG story na nag-hire pa siya ng Australian chef para sa special dinner.
Wala naman din sigurong problema kung maging more than friends ang ang dalawa lalo’t pareho naman silang single. Hiwalay na si Ellen sa dati nitong karelasyon na si John Lloyd Cruz habang si Derek ay break na kay Kapuso actress Andrea Torres