ni NITZ MIRALLES

SA last interview kay Alden Richards, nabanggit nitong this February na sisimulan ang lock-in shooting nila ni Alden Richards ng pelikulang A Moment to Remember. Ang hindi pa natukoy ni Alden ay kung kailan ang playdate ng movie at kung sa mga sinehan ba o streaming mapapanood ang movie.

Sa interview naman ng Summit Media kay Bea Alonzo, nabanggit na excited siyang makatrabaho ang isa sa “favourites” niya.

“He’s also one of my favorites! Even though we haven’t worked in a movie, na ngayon nga, finally, magkakaroon na ng chance. He’s such a nice person, very pleasant, even his team.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

“Although before, nami-meet ko na siya sa mga parties, dahil meron kaming common friend, but doon lang kami nagkaroon ng time to bond,” sabi ni Bea.

Ang tinukoy ni Bea na time nilang magka-bonding ni Alden ay nang mag-shoot sila ng TVC nang ini-endorse nilang shampoo sa Thailand. Ilang araw din sila roon at napag-usapan nga raw nila na sana magkaroon ng chance for them to work together na nangyari na nga sa pelikula.

Prodyus ng Viva Films, GMA Pictures, at APT Entertainment ang “A Moment to Remember” sa direction ni Nuel Naval.

Fan si Alden ng love team nina Bea at John Lloyd Cruz at lahata yata ng pelikula ng dalawa, kanyang pinanood. Si Bea naman, pinanood ang Hello, Love, Goodbye at

nagustuhan niya ang pelikula at ang acting nina Alden at Kathryn Bernardo.