TULOY-tuloy ang pagsulong ng local chess kung saan ang province ng Marinduque sa gabay ni Board Member engineer John Pelaez ay mag sponsor at mag host ng 3rd Marinduque Online Chess Tournament sa Pebrero 19 sa lichess platform.

“Board Member engineer John Pelaez is very intelligent, helpful and understanding when it comes to the welfare of young and budding pawnpushers in the locality,” sabi ni Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Alfredo “Fred” Paez na siya ding National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Assistant Executive Director for Southern Luzon.

Ipapatupad sa torneong ito ang eleven-round Swiss System na may time control five minutes bawat manlalaro na bukas sa lahat ng manlalaro na good standings sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

May cash prizes sa naghihintay sa mga magwawagi kung saan ang magkakampeon ay tatangap ng P3,000, ang runner-up ay P2,000 habang ang third-placer ay P1,000. Ang next two chessers ay magbubulsa ng tig P700 at P500 ayon sa pagkakasunod. Ang Sixth hanggang 10th placers ay tig P300.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May nakalaan na tig P300 cash prizes sa category winners para sa Top Executive, Top Kiddie, Top Junior, Top Senior, Top Lady, Top Marinduqueno at Top Marinduquena.