ni Mercy Lejarde

Bilang pagsalubong sa nalalapit na Valentine’s Day, may inihandang regalo ang GMA Network sa mga manonood sa espesyal na episode ng Magpakailanman na The Richard Yap Love Story ngayong Sabado, Pebrero 13.

Tunghayan dito ang kuwento ng pag-iibigan ng magkaibang lahi at paniniwala. Dahil ipinagbabawal sa tradisyon ng mga Chinese ang mag-asawa ng hindi nila kalahi lalo na sa anak na lalaki, matinding pagsubok ang dadaanan ng mga bida masunod lamang ang tinitibok ng puso.

Gaganap bilang Richard Yap ang Kapuso actor na si David Licauco habang ang aktres na si Shaira Diaz naman bilang si Melody Leva-Yap. Bibigyang-buhay ng dalawa ang pagmamahalan na mauuwi sa pagpili sa pagitan ng pamilya at kaligayahan sa pag-ibig.

Tsika at Intriga

'My face card at 9 years old!' Andrea flinex throwback pics noong 'nene' pa

Tampok din sa istorya ang pagganap nina Ricardo Cepeda at Joyce Ching.

Mula sa mahusay na direksyon ni Don Michael Perez.