NAPALABAN ng todo si Filipina tennis ace at Globe ambassador Alex Eala kontra sa beteranong karibal tungo sa pahirapang 6-3, 4-6, 6-4 panalo kay Romanian Laura-Ioana Paar sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) W25 Grenoble nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) sa France.

Tangan ang 13 ITF titles, nangibabaw ang karanasan ng 32-anyos na si Paar, 0-2, sa first set, subalit nagawang makabawi ni Eala para maitabla ang iskor sa 3-3. Sa gitna ng pagbubuni ng mga tagasuporta, nagawang walisin ng 15-anyos Pinay ang huling tatlong puntos.

Kaagad na umariba si Eala sa second set para sa 3-0 bentahe, subalit hindi bumigay ang beteranong si Paar, 190th ranked sa Women’s Tennis Association (WTA) singles, at maitabla ang iskor sa 4-4. Muling pumuntos si Paar bago binasag ang service play ni Eala para maipuwersa ang decider. Sa third set, walang tulak-kabigin sa magkabilang panig bago nakakuha ng tyempo ang Pinay at basagina ng service play ni Paar para sa 5-4 bentahe. Hindi hinayaan ni Eala na makabawi ang karibal.

Sunod na haharapin ni Eala sa US$25,000 competition si seventh-seeded Cristina Bucsa ng Spain, nagwagi kontra Martina Di Guiseppe ng Italy, 6-4, 6-4. Ang 23-anyos na si Bucsa ay No. 164 sa e WTA singles rankings. Tangan niya ang apat na titulo sa pro circuit kabilang ang 2019 W60 Nantes sa France.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'