ni Marivic Awitan

ISANG bagong koponan ang nakatakdang sumabak sa darating na unang season ng Premier Volleyball League (PVL) bilang isang isang propesyunal na liga.

Ang Peak Form ang pinakabagong koponang lalahok sa darating na PVL na planong simulan sa second quarter ng taon.

“When they realized that there’s an opportunity to make a splash in the volleyball scene, they talked to me. At sabi ko, ‘I guess the biggest concern naman before anyone gets a yes is the financial capacity of a team’,” ayon kay Peak Form team owner Dr. Gar Eufemio.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pangungunahan ang koponan ng kanilang team captain na si Mela Tunay at kapwa dating UST Tigresses standout na si Chloe Cortez. Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Judith Abil, Angeli Araneta, Jessma Ramos, Coleen Bravo, Dim Pacres, Angelica Legacion, at Bia General.

Galing sina Tunay, Cortez at Ramos sa nag- disband na Motolite team; buhat naman sina Pacres, Abil at Bravo sa Marinerang Pilipina, si Legacion mula sa Petron at sina Araneta at General mula sa Generika.

Magsisilbi namang coach ng koponan si UAAP Boys’ Volleyball at dating Cignal head coach Edgar Barroga.