ni Genalyn Kabiling
Puno ng kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa mabuting resulta ng pagtugon sa pandemya ng gobyerno, partikular ang pagbabakuna, sa pagtatapos ng taon upang igarantiya ang kaligtasan ng bansa.
Kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na lampas sa kalahating milyong marka, ipinangako ng Pangulo na mabilis na ihahatid ng gobyerno ang mga bakunang coronavirus sa mga tatanggap “to make them healthy”.
Naghanda ang gobyerno para sa mabilis at maayos na pagpapatupad ng programa ng pagbabakuna sa bansa, kasama na ang pag-iimbak, pagdadala at pamamahagi ng mga bakuna sa mga benepisyaryo sa buong bansa. Inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ang unang shipment ng bakuna
“Eventually we will solve all the problems connected with this. We will survive,” sinabi ng Pangulo sa kanyang televised address nitong Lunes ng gabi, habang tinatalakay niya at ng iba pang ma opisyal ang vaccination plan ng banaa.
“And by the end of the --- the year, mukhang medyo na tayong --- hindi naman pinakamaganda, but magandang resulta sa pagod natin,” aniya.
Nilalayon ng gobyerno na magbigay ng mga libreng bakuna sa halos 70 milyong mga Pilipino upang makamit ang kaligtasan sa sakit. Ang mga pangunahing makikinabang sa bakuna ay ang mga medical fronliner, nakatatanda, mahirap at mahihinang mamamayan, at mahahalagang lakas ng paggawa.