Lalo pang nadagdagan ang libu-libong tao na nagsasagawa ng anti-coup protest sa mga lansangan sa Myanmar nitong Linggo, habang bigong mapigilan ng internet blackout ang lumalagong galit sa militar na nagpatalsik kay elected leader Aung San Suu Kyi.

ITINAAS ng mga nagpo-protesta ang three finger salute sa demostrasyon laban sa military coup sa Yangon nitong Sabado. (AFP PHOTO)

Nasundan ng panibagong malaking protesta ang naitalang pinakamalaking protesta nitong Sabado sa bansa, sa paglabas sa lansangan ng libu-libong tao upang kondenahin ang naganap na kudeta na nagpabagsa sa “10-year experiment with democracy.”

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Nagmartsa ang mga anti-coup protesters sa Yangon, bitbit ang mga banner na nagsasabing “We do not want military dictatorship” – kasama ang signature red flags ng National League of Democracy (NLD) party ni Suu Kyi.

“We will move forward and keep demanding until we get democracy. Down with the military dictatorship,” pahayag ni Myo Win, 37.

Ilan naman ang nagtaas ng three-finger salute na inspirasyon mula sa “Hunger Games” films at na ginamit ding simbolo ng paglaban ng mga pro-democracy protesters sa Thailand nitong nakaraang taon.

Sa kabila naman nang pagdagsa ng riot police—na kargado ng water cannon –walang naganap na malaking sigalot.

“#Myanmar’s military and police must ensure the right to peaceful assembly is fully respected and demonstrators are not subjected to reprisals,” tweet ng United Nations Human Rights office kaugnay ng protesta nitong Sabado.

Lumobo ang pagpapahayag ng pagtutol sa kudeta nitong weekend sa pagputol ng military sa internet connection.

Gayunman, hindi nito napigilan ang pag-ingay ng panawagan ng protesta sa online na nagpapahayag ng lantarang pagtanggi, na sinabayan pa ng maingay na pagpapahayag ng pagtuligsa ng mga tao sa pagpapatunog ng mga pots at pans—isang tradisyon na may kaugnayan sa pagpapaalis ng masamang espirito.