ni Bert de Guzman

NAGHAIN ng isang resolusyon si Speaker Lord Allan Velasco sa Kamara na nagpapahayag ng pakikidalamhati sa pagyao ng kilalang traditional master weaver ng South Cotabato at “Manlilikha ng Bayan” na si Fu Yabing Masalon Dulo, isang awardee.

Si Fu Yabing, tawag sa kanya ng komunidad dahil sa pagkilala bilang iginagalang na elder ng B’laan tribe, ay yumao noong Enero 26 sa edad na 106.

“Fu Yabing Masalon Dulo’s artistry, knowledge, talent, passion, and advocacy has made her an important cultural bearer for the B’laan tribe and inspired a new generation to preserve the B’laan textile and clothing tradition, and the death of such a beloved and respected elder and artist is an immense and profound loss not only to her family and her community, but to our country and the Filipino people as well,” saad sa House Resolution No.1540 na akda ni Velasco.

Relasyon at Hiwalayan

'The easiest yes!' Jose Manalo, Gene Maranan engaged na!

Si Fu Yabing ay kinikilala bilang “The Last Mabal Tabih Weaver”, champion at pangunahing advocate sa preserbasyon ng B’laan Mabal Tabih, o ang sining ng ikat weaving and dyeing, gamit ang mga halaman (plant species) na katutubo sa Pilipinas, gaya ng abaca.

Nagsimula si Fu Yabing ng paghahabi sa murang gulang bilang isang apprentice weaver na natututo mula sa kanyang ina, na isa ring master weaver. “Her exemplary skills in Mabal Tabih are a product of decades of dedication towards honing her craft.”

Hinangaaan at kinilala ang kanyang talento o skills sa weaving (paghahabi) at embroidery kaya ang kanyang mga works ay itinuturing na “masterpieces for their complexity, intricate beauty and reflection of the culture and heritage of the B’laan tribe, and one of her Mabal Tabih pieces is on display at the Philippine National Museum.”