KALABOSO ang dalawang operator sa sinalakay na illegal bookies ng pinagsamang puwersa ng Games and Amusements Board (GAB) Anti-Illegal Gambling Division at Manila Police District (MPD) Special Operation Unit nitong Sabado sa Tondo, Manila.

Matapos ang masinsin na surveillance matapos makatanggap ng sumbong mula sa concerned citizen, umaksiyon ang GAB-AIGU, sa pamumuno ni SGI-2 Glenn Pe at operatiba ng MPD-DSOU, sa pangunguna ni PCPT Jervies Soriano, Deputy Chief, sa patnubay ni PMAJ Roderick Caranza, Acting Chief, para salakayin ang illegal bookies sa panulukan ng Varona at Panday Pira St. sa Barangay 79 Zone 7.

Naaktuhan na nagsasagawa ng illegal na aktibidad at sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling (Illegal Horse Racing Bookies) sina Wilma Cayabo, 39 at Dennis Manapsal, 50. Nakuha sa dalawa ang iba’t ibang kagamitan tulad ng TV monitor, dividendazo at mga taya na umabot sa P17,000.

“Patuloy po kaming nakakatanggap ng mga sumbong mula sa concerned citizen, na lubhang nag-aalala dahil sa paglabag na rin ng mga operatrt sa ipinapatupad na quarantine para masawata ang coronavirus (COVID-19) pandemic. Nagsasagwa agad kami ng surveillance at kapag positive ay agad na po naming itong inaaksyunan,” pahayag ni Pe.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Malaking halaga ng buwis na magagamit sana ng pamahalaan sa mga programa tulad ng paglaban sa coronavirus ang nawawala dahil sa mga ilegal bookies. Muling inulit ni Pe ang panawagan sa mga aficionados ng horse racing na tumangkilik sa mga legal ng Off- Track Betting Station, gayundin sa mga online apps na ginagamit sa kasalukuyan ng malalaking karerahan sa bansa.

“Yung pong itinataya ninyo sa ilegal bookies ay buwis n asana na magagamit ng pamahalaan sa iba’t ibang programa sa komunidad. Huwag na po nating tangkilikin ang mga ito,” pahayag ni Pe.