ni Jhon Aldrin Casinas
Posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang unang bagyo sa 2021 ngayong buwan.
“The expected number of tropical cyclones that may enter this month of February may be none or just one,” pahayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Shelley Ignacio.
Sinabi ni Ignacio, binabantayan pa nila ngayon ang cloud formation sa labas ng bansa na posibleng mabuo bilang low pressure area (LPA).
“Meron po tayong kaulapan dito sa labas ng PAR. So may posibilidad pong may mabuong LPA. Pero continuous monitoring po tayo at magbibigay abiso naman ang PAGASA,” sabi nito.
Sa abiso ng PAGASA, patuloy na makaaapekto ang buntot ng
frontal system sa silangang ng Central at Southern Luzon habang umiiral naman ang amihan o northeast monsoon sa Norte at iba pang bahagi ng Gitnang Luzon.