ni Liezle Basa Iñigo

BUGALLON, Pangasinan – Kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang mag-asawa nang pagtatagain ng mahigit limang kapitbahay sa kanilang kubo sa Sitio Oling, Bgy. Hacienda sa naturang bayan, nitong Biyernes ng hapon.

Dead on the spot sina Obaldo Rodrigo, 54, at Wilma Rodrigo, 58, kapwa taga-nasabing lugar, dahil sa mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report ni M/Sgt. Rodolfo Naungayan, may hawak ng kaso, ng Bugallon Municipal Police, ang bangkay ng dalawa ay natagpuan ng loader operator na si Pascasio Salamat, 40, taga-Bgy. Hacienda, dakong 5;00 ng hapon.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Sinabi ng pulisya, ang bangkay ng babae na tadtad ng taga ay nadiskubre sa loob ng kanilang kubo habang ang asawa nito ay natagpuan sa labas.

Nakitaan ng halos 10 na taga ang bangkay ni Obaldo, at halos maputol na ang magkabilang kamay nito.

Paniwala ng pulisya, gumamit ng itak ang mga suspek sa nasabing krimen.

“Malinaw na sinasangga ng biktima ang bawat tama ng itak kaya halos maputulan ng dalawang kamay, maliban pa sa ginilitan sa leeg, habang ang misis naman nito ay may mga tama sa kanyang mukha at sa tagiliran,” ayon kay Naungayan.

Dalawa aniyang persons of interest ang kanilang iniimbestigahan

Ang dalawa ay caretaker lamang sa nasabing lupain, ayon sa pulisya.

“Parang kinaiinggitan ang mag-asawa sa kanilang binabantayang lupa, at ang dalawang persons of interest ay dati na ring nakaalitan sa barangay,” pahayag pa ng imbestigador.